Nagpadala ang DSWD Eastern Visayas ng mga kawani nito sa Baybay City, Abuyog at Mahaplag upang magbahagi ng Technical Assistance sa mga nasabing munisipyo na naapektuhan ng bagyong Agaton. Kasama ang mga partner agencies katulad ng International Organization for Migration (IOM), USAID, at iba pang organisasyon, tumutulong ang ahensya sa pangagasiwa at pagpapatakbo ng mga evacuation centers, at sa pagtitiyak na napoprotektahan ang karapatan ng mga evacuees.
Kasama sa ginawang Technical Assistance ng DSWD ang pagbisita at pag-inspection sa mga evacuation centers, orientation para sa mga barangay officials, ang paggawa ng information board, pagkuha ng mga kritikal na impormasyon, at ang pangangasiwa sa mga natanggap na donasyon.
Ang Technical Assistance na ito ay suporta o augmentation sa isinasagawang relief operations ng mga LGU.
Patuloy naman ang pamamahagi ng DSWD ng Family Food Packs (FFPs) at mga Non-Food Relief Items (NFIs). Sa pinakahuling tala, nakapamahagi na ang ahensya ng 32,118 FFPs na nagkakahalaga nang P20,400,854.32, at NFIs na nagkakahalaga nang P3,074,686. Maliban dito, nakapamahagi na rin ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) na nagkakahalaga nang P1,010,000.
#DSWDMayMalasakit
#AgatonPH






