Namahagi ang DSWD Eastern Visayas ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS)  para sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Agaton sa Baybay City, Leyte.

Sa pangunguna ng Crisis Intervention Section, namahagi ang DSWD ng P10,000 na cash assistance para sa mga pamilyang nagkaroon ng casualty dahil sa landslide, habang P5,000 naman ang ibinahagi para sa mga pamilyang nagsilikas. Tatlumpu’t-isang (31) mga benepisaryo ang nakatanggap ng P10,000 habang 52 naman ang nakatanggap ng P5,000. Sa kabuaan, nakapamahagi ang ahensya ng P570,000 sa ginanap na distribusyon.

Patuloy naman ang DSWD sa isinasagawang relief operations para sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyo. Sa pinakahuling tala, nakapag-release na ang ahensya ng 25,548 na Family Food Packs. Umabot na sa P16,314,583.56 ang halaga nitong mga FFPs.

#DSWDMayMalasakit
#AgatonPH