Inactivate na ng DSWD Eastern Visayas ang Quick Response Team (QRT) nito bilang inisyal na pagresponde sa bagyong Agaton. Sa pamamagitan nito, sinisigurado ng ahensya na patuloy ang pagbabahagi nito ng serbisyo kahit sa kalagitnaan ng bagyo.

Patuloy naman ang ahensya sa pakikipag-ugnayan sa mga apektadong Local Government Units upang makuha ang mga kritikal na impormasyon ukol sa pinsalang dulot ng bagyo at upang matukoy ang mga pangangailangan nito.

Samantala, may naka-imbak na 22,736 na Family Food Packs (FFPs) ang ahensya. Nakaimbak ito sa mga warehouse sa iba’t-ibang strategic na lokasyon sa buong Rehiyon. Maaaring ipamahagi ang mga ito ayon sa request ng mga LGU.

Para sa dagdag na kaalaman ukol sa bagyong ito, maaring bumisita sa website ng PAGASA 👉https://www.pagasa.dost.gov.ph/weather/weather-advisory