Nagpadala ang DSWD Eastern Visayas ng mga team ng mga social worker sa Abuyog at Baybay City, Leyte. Bahagi ito ng technical assistance na ibinahagi ng ahensya sa mga munisipyong naapektuhan ng bagyong Agaton.

Tumulong ang mga social worker na ito sa pagsasagawa ng Camp Coordination and Camp Management (CCCM) at Internally Displaced Persons (IDP) Protection sa mga nasabing LGU. Ito ay ang pangangasiwa at pagpapatakbo ng mga evacuation center at ang pagsisigurado na ligtas at napoprotektahan ang karapatan ng mga nagsilikas.

Maliban dito, nagset-up din ang mga social workers ng child at women-friendly spaces, at nagsagawa ng counselling para sa mga evacuees na na-trauma dahil sa bagyo.

Samantala, patuloy naman ang DSWD Eastern Visayas sa isinasagawang relief operations para sa mga LGU na naapektuhan ng bagyo.

#DSWDMayMalasakit
#AgatonPH