Nagtutulungan ang DSWD Eastern Visayas, ang mga Local Government Units, at ang mga partner agencies nito sa patuloy na isinasagawang relief operations para sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Agaton. 

Sa pamamagitan ng koordinasyon mula sa Office of Civil Defense, nagpahiram ng mga military trucks ang Philippine Army at Black Hawk helicopters ang Philippine Air Force upang dalhin ang mga Family Food Packs (FFPs) ng DSWD sa mga apektadong munisipyo. Suporta ito sa mga LGUs na nagpapadala ng mga truck para kumuha ng FFPs. Samantala, nagpadala din ng tauhan ang Philippine National Police at ang Bureau of Fire Protection para sa produksyon, loading at unloading nitong mga FFPs. Nagpapasalamat din ang DSWD sa mga indibidwal, grupo at mga organisasyon mula sa pribadong sektor na nag-donate ng mga dagdag na relief items.

Sa pinakahuling tala, nakapag-release na ang DSWD ng 27,925 na kabuuang FFPs. Umabot na sa P17,860,459.32 ang halaga nitong mga FFPs.

#DSWDMayMalasakit
#AgatonPH