Basahin: Patuloy ang pag-iimbak ng DSWD Eastern Visayas ng mga Family Food Packs (FFPs). Bahagi ito ng paghahanda ng ahensya laban sa mga maaaring maging epekto ng Low Pressure Area.

Sa kasalukuyan, may nakahandang 22,736 na FFPs ang ahensya. Nakaimbak ito sa mga warehouse sa iba’t-ibang strategic na lokasyon sa buong Rehiyon. Maaaring ipamahagi ang mga FFPs na ito ayon sa request ng mga Local Government Unit.

Huling namataan ang LPA 285 kilometro sa silangan ng Surigao del Sur. Inaasahang magdadala ito ng pag-ulan, lalo na sa Visayas, Caraga, Northern Mindanao, at Zamboanga Peninsula. Patuloy na minamanmanan ng DSWD ang galaw nitong bagyo.

Para sa dagdag na kaalaman ukol sa LPA, maaring bumisita sa website ng PAGASA 👉https://www.pagasa.dost.gov.ph/weather/weather-advisory