“Ako si Mrs Merlita, nakatira sa Brgy. Bugay, Las Navas, N. Samar. Malaki ang naitulong ng Brgy. Health Center para sa aking pamilya dahil minsan tumaas ang aking blood pressure. Mayroong malapit na health center para makuha ang aking blood pressure at salamat dahil may mga duty na BNS at BHW, nasasagot ang aking problema sa blood pressure, at malaki rin ang tulong ng aming Barangay Health Center dahil nabakunahan ang aking mga apo nang hindi na kami pumupunta sa bayan, wala ng gasto sa pamasahe dahil may assigned nurse sa aming barangay.
Siya ang bumibisita para magbigay ng bakuna at check-up sa mga matatanda at buntis. Malaki ang naitulong ng aming Barangay Health Center sa lahat ng mga taga-barangay dahil madali na ang aming pagpunta para magpa-check-up, magpatimbang, at magpabakuna. Salamat sa aming mga barangay officials, dahil sa tulong nila para magkaroon kami ng Barangay Health Center at salamat sa KALAHI sa binigay na proyekto para sa amin. “
Ito ang pahayag ni Merlita, isa sa mga residente ng Brgy. Bugay na nakinabang at patuloy na nakikinabang sa ipinatayong Barangay Health Center na proyekto ng KALAHI-CIDSS at LGU. Napili ang nasabing proyekto dahil nahirapan ang mga taga barangay sa kalsada papunta sa bayan, kung saan sila dati nagpapa-check-up.
Sa ngayon, ginagamit pa rin ang nasabing proyekto. May nakalaang pondo ang barangay para sa maintenance ng gusali, at may budget din para pambili ng mga gamot para sa barangay.