Higit 1,600 pares ng sapatos naipamahagi sa mga Bagyong “Odette” survivors sa Southern Leyte

Namahagi kamakailan ang DSWD Eastern Visayas ng 1,629 pares ng sapatos sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na naapektuhan ng Bagyong #OdettePH sa Southern Leyte.

Ang mga sapatos na ito ay donasyon ng SM Foundation Inc. (SMFI) bilang bahagi ng kanilang Operation Tulong Express sa mga apektadong komunidad ng Bagyong “Odette” sa Visayas at Mindanao.

Kabilang ang mga bayan ng San Ricardo, Pintuyan, Sogod, Bontoc at Limasawa sa nabigyan ng mga donasyong sapatos.

Sa kabuuan, 2,429 pares ng sapatos na ang naipamigay sa Southern Leyte, kung saan 1,628 ang para sa kababaihan at 801 naman ang para sa kabataan.

Matatandaang noong Disyembre 16, 2021, dalawang beses nag-landfall ang Bagyong “Odette” sa Southern Leyte. Ang naturang bagyo ay nagtala ng lakas ng hangin na 195 kilometro bawat oras (kph) at pagbugsong aabot sa 270 kph.

#DSWDMayMalasakit

#DSWDKalingaAtPagmamahal

#OdettePHRelief