TINGNAN: Kasalukuyang ginaganap ang Open House sa Regional Resource Operations Center para sa iba’t ibang Local Government Units (LGUs) sa rehiyon.
Layunin nitong i-capacitate ang mga LGUs sa Warehousing at Logistics dahil sila ang first responders sa mga sakuna at kalamidad batay sa Republic Act 10121 o ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010.
Ang Open House ay gaganapin tuwing Myerkules ngayong Hunyo at Agosto alinsunod sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month.