TINGNAN: Namahagi ang DSWD Eastern Visayas – Eastern Samar Sub Field Office ng Family Food Packs (FFPs) at Non Food Items sa siyam na apektadong pamilya ng sunog sa Brgy. Bulosao, Lawaan, Eastern Samar.

Nakatanggap ng tig-dalawang FFPs at tig-isa namang sleeping kit, kitchen kit at hygiene kit ang bawat apektadong pamilya.

Ayon sa report ng Bureau of Fire Protection, naganap ang sunog sa Barangay Bulosao, Lawaan sa 03:00 nang madaling araw noong Hulyo 14, 2022. Idineklara itong fire out bandang 05:40 ng umaga sa parehong araw. Walang namang naiulat na nasawi sa mga sibilyan at mga rumespondeng bumbero.

Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon sa dahilan ng sunog at validation sa mga napinsalang mga bahay.

#DSWDMayMalasakit