Mga produkto ng Abuyog sa DSWD FO8 Candahug Grounds!
Ang bantog na honey (dugos) ng Abuyog, Leyte, oyster-mushroom polvoron, at iba pang mga kakanin na mula sa Canario-Tabigue Irrigator’s Association at Choco Moron & Delicacies SLPA ng Abuyog, Leyte ay kabilang sa mga produktong kasalukuyang tinatampok sa “Tabo ha DSWD.”
Maaari ring makabili ng iba produktong pagkain sa kanilang booth kagaya ng tikoy, sapin-sapin, cassava cake, moron, at suman-latik sa halagang 100.00 Php – 140.00 Php per pack.
Bukas ang kanilang Tabo booth hanggang bukas, February 9, 2023 bilang parte ng DSWD 72nd Founding Anniversary.
Panabo kita ha DSWD!