Kaugnay ng selebrasyon ng DSWD 72nd Anniversary dito sa Rehiyon Otso, pinangunahan ni Assistant Regional Directors Clarito T. Logronio at Natividad Sequito kasama si Department of Agriculture Regional Office 8 Regional Executive Director Angel Enriquez at Department of Trade and Industry Regional Office VIII Assistant Regional Director Maria Delia Corsiga ang pagbubukas ng “Tabo sa DSWD” at Health and Wellness Week.
Itinatampok sa Tabo sa DSWD ang mga produkto ng iba’t ibang Sustainable Livelihood Program Association na sinusuportahan ng DSWD.
Ayon kay Director Enriquez, matagal na at matibay ang partnership ng DSWD at DA sa pagpapatupad ng mga programa para sa ating mga kababayan sa rehiyon.
“Eto ang simula ng mas malawak na partnership ng DSWD at DTI sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng ating mga kababayan sa Eastern Visayas,” ayon naman kay Director Corsiga.
Ang DSWD, DTI at DA ay may iisang layunin – ang mapaunlad ang kabuhayan ng ating mga kababayan sa Eastern Visayas.