Tara na sa “Gawang Lokal Mula sa Home for Girls Otso” Tabo Booth!
Tinatampok ng DSWD FO8 Home for Girls ang mga produkto ng kanilang mga center residents sa ikatlong araw ng “Tabo ha DSWD.” Kabilang sa kanilang mga produktong sila mismo ang gumawa ay mga food products kagaya ng macaroons, pastillas, cookies, butter cookies, at embutido. Mayroon din silang ipinagbibiling non-food items gaya ng mga basket na gawa sa recycled materials at mga hair ties.
Mabibili ang kanilang mga produkto sa halagang 35.00 Php – 90.00 Php.
Ito ay bahagi ng kanilang income-generating project na kanilang sinimulan noong December 2022.
Bukas ang kanilang Tabo booth hanggang bukas, February 9, 2023 bilang parte ng DSWD 72nd Founding Anniversary.
Panabo kita ha DSWD!