Sa pamamagitan ng pag-uugnayan ng DSWD Field Office VIII at Bureau of Corrections (BuCor) Leyte Regional Prison (LRP), nabigyan ng educational assistance ang 464 na mga Persons Deprived of Liberty (PDL) ng LRP na naka-enroll sa Alternative Learning System (ALS) para sa school year 2022-2023.

Ginanap ang pamamahagi ng educational assistance na ito noong Abril 13, 2023 sa ALS Building, Maximum Security Camp ng LRP Abuyog, Leyte.

228 na mga PDL na naka enroll sa elementary level ng ALS ang nakatanggap ng tig 1000 pesos. 172 naman na mga PDL na naka enroll sa junior highschool ng ALS ang nabigyan ng tig 2000 pesos at 64 PDL na nasa senior high school ng ALS ang nakatanggap ng tig 3000 pesos.

Sa kabuuan, umabot sa 764,000 pesos na educational assistance ang naipamagahi ng DSWD Field Office VIII sa mga PDL ng LRP.

Ang educational assistance na naibigay ay suportang pang-edukasyon para sa mga pangangailangan ng mga PDL kagaya ng educational materials at equipment na gagamitin sa kanilang pag-aaral. Ang pamamahagi ng educational assistance ng DSWD sa mga PDL ay isang kasangkapan sa mga programa ng BuCor na mabigyan ang mga PDL ng pagkakataong makapag-aral at makabalik sa kanya-kanyang pamilya at komunidad bilang isang produktibong mamamayan.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD

Photo Credits: Bureau of Corrections (BuCor) Leyte Regional Prison (LRP)