Namahagi ang DSWD Field Office VIII ng tulong-pinansyal sa mga naapektuhan ng sunog sa Tacloban City. Kasama ang Tingog Partylist, nagpaabot ang Crisis Intervention Unit ng P10,000 para sa 53 na pamilyang nasunugan ng bahay, at P5,000 para sa 47 na mga Sharers o Boarders. Sa kabuuan, nakapamahagi ang ahensya ng P765,000 sa 100 na mga benepisaryo.

Maliban sa tulong-pinansyal, nauna na ring nagpa-abot ang ahensya ng mga relief items na nagkakahalaga ng P735,238.08. Kasama dito ang 192 na Family Food Packs, 192 na bottled water, at mga non-food relief items, tulad ng family kits, hygiene kits, sleeping kits, at foam.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD