Sa pangunguna ni DSWD FO VIII Regional Director Grace Q. Subong, DTI RO VIII Regional Director Celerina Bato, naibahagi ngayong araw, Setyembre 13, 2023 ang Sustainable Livelihood Program – Emergency Relief Subsidy sa 35 na micro rice retailers mula sa iba’t ibang probinsiya sa rehiyon.
Ang subsidy na ito na nagkakahalaga ng P15,000 ay ang tulong ng pamahalaan para sa mga micro rice retailers na apektado ng mandatong price cap sa bigas base sa Executive Order No. 39.
May monitoring namang gagawin sa mga benepisyaryo nito upang masiguradong nagamit ang subsidy ayon sa layunin ng pagkakaloob nito.