Nagkaroon ng paglagda ng Data Sharing Agreement at magkakasunod na pamamahagi ng pinakabagong Listahanan database sa mga lokal na pamahalaan ng Abuyog, Leyte, MacArthur, Leyt at San Miguel, Leyte noong, ika-9-10 ng Enero, 2024.

Pormal na ibinigay ni Regional Field Coordinator (RFC) Leizel Astorga, Regional Information Technology Officer (RITO) Romart So at Statistician II Aileen Joy Silvestre ng Listahanan ang electronic copy ng Listahanan 3 database sa Municipal Administrator ng Abuyog, Leyte na si Luz Concha Daganzo. Naroon din sa aktibidad ang Social Welfare Officer I/VAWC Focal/CNSP Focal na si Adam Paul Pabia at ang Administrative Aide I/Data Privacy Officer na si Rina Bandalan.

Ibinahagi rin ang pinakabagong talaan ng pamilyang nangangailangan sa lokal na pamahalaan ng MacArthur, Leyte. Ito ay pormal na tinanggap nina Municipal Social Welfare and Development Officer (MSWDO) Evelina Maceda at MSWDO staff na sina Jessa Bacungco at Donnalyn Cinco.

Tinanggap naman nina MSWDO Katrina Mae Villegas, Executive Assistant Ramil Janaban at Population Program Worker I/Data Protection Officer Judith Padilla ang Listahanan 3 database para sa lokal na pamahalaan ng San Miguel, Leyte.

Ang mga datos na nilalaman ng Listahanan 3 database ay maaring gamitin ng mga lokal na pamahalaan upang magsilbing basehan nila sa pagpili ng mga karapat-dapat na maging benepisyaryo ng mga programa at serbisyong panlipunan na naglalayong maiangat ang pamumuhay ng mga mahihirap.

Inaasahan ng ahensya na mapapalawig pa ang paggamit ng Listahanan 3 database sa rehiyon ngayong taon.

Para sa mga lokal na pamahalaan, publiko at pribadong mga ahensya sa Rehiyon Otso na nagpapatupad ng mga serbisyong panlipunan at nagnanais magkaroon ng access sa pinakabagong talaan ng pamilyang nangangailangan, makipag ugnayan lamang sa National Household Targeting Section ng DSWD Field Office VIII sa pamamagitan ng email na ito: nhts.fo8@dswd.gov.ph o di kaya ay bumisita sa opisina ng National Household Targeting Section ng DSWD Field Office VIII na matatagpuan sa Government Center, Candahug, Palo, Leyte.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD

#BawatBahayMagkakasamaSaKaunlaran

#DSWDListahanan3