Patuloy ang DSWD Eastern Visayas sa pamamahagi ng Emergency Cash Transfer (ECT) sa Probinsya ng Northern Samar. Sa pinakahuling tala, nakapamahagi na ang DSWD ng P206,163,680.00 sa 67,817 na pamilya mula sa 12 na mga munisipiyo sa Northern Samar. Kabilang dito ang Lavezares, San Jose, Palapag, Allen, Bobon, Gamay, Lapinig, Mapanas, Rosario, Lope de Vega, Laoang at Silvino Lubos. Nagpapatuloy naman ang DSWD sa pamamahagi nitong ayuda sa iba pang mga munisipyo sa nasabing probinsya.

Ang Emergency Cash Transfer (ECT) ay tulong pinansyal para sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha na dulot ng shearline noong Nobyembre. Alinsunod sa direktiba ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, magpapatuloy ang distribusyon ng nasabing ayuda upang masigurado ang early recovery at rehabilitation ng mga apektadong pamilya.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD