Tingnan: Namahagi kamakailan ang DSWD Eastern Visayas ng P49,354,400.00 na Emergency Cash Transfer (ECT) sa 16,235 na mga benepisaryo sa Catarman. Bahagi ito ng malawakang distribusyon ng ECT sa probinsya ng Norther Samar.
Sa pinakahuling tala, umabot na sa P337,342,720.00 ang kabuuang naibahagi ng ahensya sa 110,968 na mga benepisaryo mula sa nasabing probinsya. Maliban sa Catarman, nagsagawa din ang DSWD ng distribusyon sa mga bayan ng Lavezares, San Jose, Gamay, Lapinig, Mapanas, Palapag, Allen, Bobon, Lope de Vega, Rosario, Catubig, Laoang, Pambujan, San Vicente, Mondragon, San Roque, Las Navas, Silvino Lobos, Capul, at San Isidro.
Ang Emergency Cash Transfer (ECT) ay tulong pinansyal para sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha na dulot ng shearline noong Nobyembre. Alinsunod ito sa direktiba ni DSWD Secretary Rex Gatchalian para masigurado ang early recovery at rehabilitation ng mga apektadong pamilya.
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD