Naipamahagi na sa ating mga lolo at lolang benepisyaryo ng DSWD Social Pension Program sa bayan ng Pangsanghan, Probinsya ng Samar, ang kanilang mga stipend noong nakaraang Abril 9-10, 2024.

709 na mga regular na benepisyaryo ang nahandogan ng kanilang Php1,000.00 na stipend kada buwan o katumbas ng kabuoang halagang Php6,000.00 para sa unang semestre ng taon. Bilang kabuoan, Php4,254,000.00 ang pondong naipamahagi sa pamamagitan ng Transfer of Fund (ToF) Modality sa nasabing munisipalidad bago pa man matapos ang unang semestre ng taon.

Magkatuwang na isinagawa ang payout sa koordinasyon ng DSWD FO VIII at Lokal na Pamahalaan ng Pagsanghan sa pamamagitan ng kanilang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at Office of the Senior Citizens Association (OSCA).

Sa kasalukuyan, ang LGU-Pagsanghan ang kauna-unahan munisipalidad na nakapagsagawa ng kanilang social pension payout sa buong Eastern Visayas ngayong taong 2024.

Samantala, inaanyayahan ang mga benepisyaryo ng programa na manatiling naka-antabay sa mga anunsyo ng kani-kanilang mga Local Social Welfare and Development Offices (LSWDOs) at sa himpilan DSWD FO VIII para sa anumang updates o impormasyon hinggil sa implementasyon nito sa kanilang mga lungsod o munisipalidad.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD