Nagkaroon ng Mass Turn-over Ceremony para sa 45 na mga Sub-Projects ng KALAHI-CIDSS sa iba’t ibang barangay sa Palompon, Leyte noong ika-25 ng Marso.
Ilan sa mga ito ay ang Concreting of Footpaths o Access Roads, Improvement of Drainage Canals, Concreting of Barangay Roads, at iba sa ilaim ng KALAHI-CIDSS Additional Financing.
Ito ay dinaluhan ng mga punong barangay, Barangay Developmet Council-Technical Working Group Chairpersons, at Maintenance Group Representatives ng tatlumpung-tatlong mga barangay ng nasabing munisipyo.
Ibinahagi rin ng mga community-volunteers ang kanilang mga testimonya ukol sa implementasyon ng programa bilang mga pangunahing tagapagpatupad ng kani-kanilang mga proyekto gamit ang mga prinsipyo ng Participation, Transparency, at Accountability ng programa.
Patuloy rin ang implementasyon ng Philippine Multi-Sectoral Nutrition Project o PMNP sa Palompon, Leyte.