Kaugnay sa pagdiriwang ng ika-73 na anibersaryo ng DSWD, opisyal na pinasinayaan ang pagbubukas ng “Tabo ha DSWD”.
Itinatampok sa “Tabo ha DSWD” ang iba’t ibang klase ng produkto sa agrikultura kagaya ng mga food at non-food items (native products) ng DSWD FO VIII-Sustainable Livelihood Program Associations (SLPAs), 4 na DSWD Centers and Residential Care Facilities sa buong rehiyon, at maging mga produkto ng ilan sa mga empleyado ng ahensya.
Ang nasabing aktibidad ay pasisinayaan mula ika-6-8 ng Mayo, 2024, 8:00 AM-5:00 PM sa DSWD FO VIII Candahug Grounds, Candahug, Palo, Leyte.
Pakadi na, palit na!