TINGNAN | Nakipagpulong ang DSWD Field Office VIII sa lokal na pamahalaan ng Naval, Biliran para talakayin ang implementasyon ng Project LAWA at BINHI sa lugar. Ang proyekto ay maisasakatuparan sa pakikipagtulungan ng ahensya sa Department of Labor and Employment, sa ilalim ng TUPAD initiative. Pinag-usapan sa naturang pagpupulong ang mga plano para sa implementasyon na tututok sa mga target na lugar at benepisyaryo, pati na rin ang mga proseso, paghahanda, at posibleng isyu sa pagpapatupad ng proyekto.
Nilahukan ng alkalde ng Naval na si Mayor Gretchen Stephanie M. Espina, Municipal Social Welfare Officer, Municipal Agriculturist, at Public Employment Service Officer at ng Risk Resiliency Program Team ng ahensya ang nasabing pagpupulong.
Ang Project LAWA at BINHI, na may cash-for-training at cash-for-work modality ay naglalayong labanan ang gutom at bawasan ang economic vulnerability sa mga komunidad sa pamamagitan ng pagtugon sa kakulangan sa pagkain at tubig dulot ng pagbabago ng klima at mga kalamidad.