Patuloy na isinasagawa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 8 ang tatlong araw na Cash-for-Training sa San Ricardo, Southern Leyte para sa implementasyon ng Project LAWA at BINHI sa ilalim ng Risk Resiliency Program – Climate Change Adaptation and Mitigation.
Magpapatuloy ang training sa iba pang lokal na pamahalaan sa probinsya, kabilang na ang Libagon, Silago, Bontoc, Sogod na may kabuuang bilang na mahigit 1,000 benepisyaryo.
Layunin ng programa na palakasin ang kakayahan ng mga komunidad sa pagharap sa epekto ng pagbabago ng klima at magbigay ng pangmatagalang solusyon sa mga hamon nito.
Ang mga sub-projects sa ilalim ng inisyatibong ito ay naglalayong matulungan ang mga komunidad na mapangalagaan ang kanilang mga sarili laban sa mga kalamidad, lalo na sa panahon ng tagtuyot at tag-ulan.