Sinimulan na ng 488 partner-beneficiaries ang rehabilitasyon ng water system sa Dolores, Eastern Samar bilang bahagi ng Cash-for-Work (CFW) para sa Project LAWA at BINHI (Local Adaptation to Water Access and Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished). Kasunod ito ng tatlong araw na pagsasanay sa unang bahagi ng implementasyon ng proyekto.

Ang CFW sa naturang lokal na pamahalaan ay nahahati sa dalawang phases, una ang ang rehabilitasyon ng water system at pangalawa ang communal gardening. Samantala, patuloy rin ang paghahanda ng iba pang lokal na pamahalaan, sa ilalim ng paggabay ng DSWD Field Office VIII.

Layunin ng Project LAWA at BINHI na magbigay ng cash-for-training at cash-for-work sa mga vulnerable sectors na apektado ng El Niño at ang nagbabadyang epekto ng La Niña, na ayon sa ulat ng PAGASA ay nagsimula na. Ito ay upang mapalakas ang kanilang kakayahang makibagay sa panahon ng tagtuyot at tag-ulan at mapaghandaaan ang epekto ng mga ito sa seguridad sa pagkain at kakulangan ng tubig.

#projectlawaatbinhi
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD