Ngayong linggo, pinalawig ng DSWD Field Office VIII ang sabayang implementasyon ng Cash-for-Training para sa Project LAWA at BINHI sa Northern Samar, partikular na sa mga lokal na pamahalaan ng Catubig, Lope De Vega, Gamay at Lapinig. Kasalukuyan ring isinasagawa ang CFT sa Maslog, Eastern Samar.

Ang CFT ay nagsisilbing unang hakbang para sa implementasyon ng programa, kung saan ang mga benepisyaryo ay sasailalim sa 3-araw na Learning and Development Session (LDS) tungkol sa Risk Resiliency Program – Project LAWA at BINHI, o Local Adaptation to Water Access and Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished. Matututunan mula sa training ang tungkol sa Disaster Risk Reduction, Climate Change Adaptation and Mitigation, at mga programa at serbisyo ng DSWD, pati na rin ang iba pang mga hakbang para maibsan at maiwasan ang epekto ng iba’t ibang sakuna.

Ang Project LAWA at BINHI ay isang inisyatibo ng DSWD para tugunan ang food insecurity at water insufficiency at labanan ang epekto ng climate change, lalo na ang El Niño na kasalukuyang nararanasan sa bansa. Nauna nang iminungkahi ni Secretary Rex Gatchalian na ang programa ay naglalayong palakasin ang kakayahan ng mga poor at vulnerable na pamilya na maging handa sa panahon ng matinding tagtuyot, at mabawasan ang epekto ng kakulangan sa pagkain at tubig.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD