Nakaantabay ngayon ang Department of Social Welfare and Development Field Office VIII sa posibleng epekto ng Tropical Depression “Aghon” sa rehiyon, partikular na sa mga lugar, na ayon sa PAGASA, ay nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 1, kabilang ang Samar, Eastern Samar, Northern Samar, Biliran, ilang bahagi ng Leyte, at Southern Leyte.

Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng ahensya sa mga lokal na pamahalaan at mga kinauukulan upang matiyak ang agarang tulong at pagresponde sakaling may mangailangan ng tulong dulot ng masalimuot na panahon.

#dswdlaginghanda

#AghonPH

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD