Sa pangunguna ng DSWD Field Office VIll, natanggap nina Lolo Florencio Micono mula sa munisipalidad ng Arteche; Lola Anesia Quino mula sa munisipalidad ng Oras; Lolo Justiniano Arca, mula sa munisipalidad ng Dolores; Lola Ana Lagria mula sa siyudad ng Borongan; at Lolo Marcelino Buenafe mula sa munisipalidad ng Maydolong ang Php100,000.00 na cash gift at liham ng pagbati mula kay Pres. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang pagkilala at pagbibigay dangal sa pagtungtong nila ng natatanging isandaang taong gulang.
Kaugnay nito, natanggap din ng mga centenarian na ito ang cash incentive mula sa Provincial Local Government Unit (PLGU) of Eastern Samar na nagkakahalagang Php50,000.00. Samantala, nagbigay din ng karagdagang incentive ang kani-kanilang mga Local Government Unit (LGU).
Nakiisa sa paghahandog ng nasabing centenarian privilege ang mga LGU, Local Social Welfare and Development Offices (LSWDOs), Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA), at Barangay Local Government Unit (BLGU) ng nasabing mga siyudad at munisipalidad kasama rin ang National Commission of Senior Citizens (NCSC)- Region VIII.
Samantala, patuloy ang paghahandog ng ahensya sa iba pang centenarian sa buong Eastern Visayas bago pa man matapos ang taon.
Inaanyayahan ng ahensya ang mga pamilya ng mga potensyal na benepisyaryo na makipag-ugnayam sa tanggapan ng DSWD Field Office VIll at kanilang mga LGU at LSWDO sa implementasyon ng Centenarian program ngayong taon.