Sinimulan na ng 130 benepisyaryo mula sa Jipapad, Eastern Samar ang labin-limang araw na pagtatrabaho sa ilalim ng Stage 2 ng Project LAWA (Local Adaptation to Water Access) at BINHI (Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished).

Sa unang araw ng pagtatrabaho ay nilinis at inihanda ng mga benepisyaryo ang lugar na pagtatayuan ng proyektong tutugon sa kakulangan ng tubig, bahagi ng Phase 1 ng aktuwal na pagtatrabaho. Sa Phase 2, pagtutuunan ng komunidad ang proyektong naglalayong masiguro ang suplay ng pagkain sa panahon ng pangangailangan.

Ang proyektong ito, na ipinatutupad sa ilalim ng isang cash-for-work scheme, ay sisimulan din sa iba pang lokal na pamahalaan. Layunin nitong magbigay ng sapat na suplay ng tubig at seguridad sa pagkain, habang nagbibigay ng agarang trabaho at pangmatagalang benepisyo sa mga komunidad.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWDWD

#projectlawaatbinhi