Bunga ng partisipasyon at pagkakaisa ng mga mamamayan sa komunidad, isinagawa ang Blessing and Turnover Ceremony of the Municipal Public Market Sub-Project ng Almeria, Biliran noong 21 June 2024. Ito ay kaugnay sa implementasyon ng Kapangyarihan at Kaunlaran sa Barangay (KKB) Balik Probinsya Bagong Pag-asa Program (BP2P) ng DSWD KALAHI-CIDSS.

Bilang produkto ng Community-Driven Development o CDD approach ng programa, ang nasabing sub-project ang natukoy ng mga community volunteers, kasama ang Barangay at Municipal LGUs, bilang tugon sa pagkakaroon ng kauna-unahang pampublikong pamilihan ng Almeria. Ito ay bukas sa lahat ng KALAHI-CIDSS BP2P na mga benepisyaryo, Sustainable Livelihood Program Associations (SLPAs), iba pang mga benepisyaryo ng DSWD at mga mamamayan ng nasabing munisipyo.

Dumalo sa nasabing aktibidad ang mga Barangay Development Council- Technical Working Group, Municipal at Area Coordinating Teams ng Almeria, at mga kinatawan mula sa mga barangay at munisipyo ng Almeria at mula sa KALAHI-CIDSS Regional Program Management Office.

Tinatayang aabot sa Php 10, 744,560.25 ang kabuuang halaga ng sub-project na ito kung saan mayroong Php 3,297,015.65 na halaga ng Local Counterpart Contribution o LCC mula sa MLGU ng Almeria at Php 234,999.80 mula sa BLGU.

#MagKalahiTayoPilipinas

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD