Sa pangunguna ng KALAHI-CIDSS Regional Program Management Office kasama ang Student Services & Alumni Affairs (SSAA) and Career & Job Placement Office (CJPO) ng Eastern Samar State University, isinagawa ang Cash-for-Work Program Orientation for College Graduates and Students sa ESSU, Borongan City, Eastern Samar.
Layunin ng nasabing aktibidad na maipalawanag ang programa at mabigyang-tugon ang mga katanungan ng mga nakatakdang benepisyaryo nito. Ang ESSU ang ikalawang SUC sa rehiyon na magpapatupad ng naturang proyekto na nakatuon sa pagbibigay ng temporary employment sa mga college graduates na hindi pa nakakahanap ng trabaho. Ito ay matapos ang matagumpay na implementasyon ng programa sa Eastern Visayas State University (EVSU).
Mayroong 433 na mga college graduates ng ESSU mula sa iba’t ibang mga campus nito na nagsipagtapos noong 2021 hanggang 2024 ang kasalukuyang benepisyaryo ng programa. Sila ay nai-deploy sa iba’t ibang mga opisina ng DSWD Sub-Field Office, KALAHI-CIDSS Area Coordinating Teams, at Borongan City Hall batay sa kani-kanilang kursong natapos at pinakamalapit sa kanilang tirahan.
Ang Cash-for-Work Program na ito ay aabot sa 90 na araw na pagbibigay-serbisyo ng mga benepisyaryo kung saan sila ay makatatanggap ng daily regional minimum wage at pagkakataon na maging empleyado ng mga opisinang nabanggit.