Nagkaroon ng Mass Turn-Over ng dalawampung (20) mga sub-projects kaugnay sa implementasyon ng Philippine Multi-sectoral Nutrition Project o PMNP sa San Miguel, Leyte.

Sa pangunguna ng Area at Municipal Coordinating Teams ng San Miguel, ito ay dinaluhan ng Municipal Nutrition Council Members, mga Punong Barangay, CNSPMC Chairpersons, O and M Groups, Procurement Team Members at mga kinatawan mula sa Regional Program Management Office ng KALAHI-CIDSS.

Sa pagpapalaganap ng community-driven development sa mga komunidad, tinatayang aabot sa Php 5,032,959.50 ang kabuuang halaga ng mga naturang mga sub-projects na siyang napagdesisyunang itaguyod mismo ng mga community members.

Ang mga sub-projects na ito ang pisikal na patunay ng community empowerment na siyang pinagtitibay ng programa.

#MagKalahiTayoPilipinas
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD