Sa ilalim ng Community-Driven Development approach ng KALAHI-CIDSS, kasalukuyang isinasagawa ang implementasyon ng KALAHI-CIDSS Cash-for-Work Program sa Brgy. San Antonio, Mondragon, Northern Samar. Ito ay kaugnay ng Phase 2 implementation ng nasabing programa.
Layunin ng proyektong ito na pangalagaan at masimulan ang kalinisan ng mga Drainage Canal sa komunidad at magsilbing unang hakbang tungo sa pagkakaisa at pagsasaayos ng kanilang Drainage Canal sa pamamagitan ng paglilinis ng kanilang kapaligiran.
Sa proyektong kasapi rin ang mga kababaihan sa pagtatrabaho na kung saan hinihimok ng Programa na ang lahat ay makiisa at maging bahagi ng programa sa pamamagitan ng pakikilahok sa pagtatrabaho sa bawat proyekto. Ito ay isang palatandaan na sa pagtatrabaho hindi pinaguusapan ang kasarian, lahat KASALI sa KALAHI.
Tinatayang aabot sa Php 305, 607.00 ang kabuuang halaga ng nasabing sub-project.
Credits: ACT Mondragon, Northern Samar