Dalawampung (20) araw matapos simulan ang pagsasanay at pagtatrabaho ng isang libo’t tatlong daan dalawampu’t pito (1,327) benepisyaryo mula sa San Policarpo, Oras, Dolores at Jipapad sa Eastern Samar ay naibigay na ng DSWD Field Office VIII ang sahod na nagkakahalagang โ‚ฑ7,500 noong ika 17-19 ng Hulyo. Sa kabuuan, nakapamahagi ng higit P9M ang ahensya sa unang lingo ng payout para sa Project LAWA at BINHI.

Ang mga benepisyaryo mula sa apat na lokal na pamahalaan ay nakapagtanim ng ibaโ€™t ibang halamang namumunga at nakakain, tulad ng pechay, sitaw, pipino at iba pa. Nakapagbuo rin at nakapag-ayos ng mga water systems at fishponds. Samantala, isasagawa rin ang payout sa iba pang mga lokal na pamahalaan na benepisyaryo ng proyekto.

โ€œDako an bulig hini nga program, nainform kami kun ano an climate change. An pagtanom ngan crab pond in usa nga bulig/activity para haamon. An Municipal Agricultural Office in naghatag haam hin tips han pagtanom kun diin nahibaruan an pag garden ngan pagsukol han pagtatanuman. Dida han May 15, 2024 kami nagtanom ngan June 12 una nga harvest. Tikang hadto every other day nakakapag-harvest kami, nakakaon hin masustansya nga pagkaon ngan naibabaligya an tanom,โ€ pahayag ng benepisyaryo na si Janice Dista ng San Eduardo, Oras Eastern Samar.

Layon ng programang ito na matulungan ang mga magsasaka, mangingisda, at iba pang kabilang sa mga pinaka-bulnerableng sektor sa kanilang pinansyal na kalagayan upang mapunan ang masalimuot na epekto ng El Niรฑo at La Niรฑa. Katuwang ng DSWD ang mga lokal na pamahalaan at probinsya ng Eastern Samar sa pagsasakatuparan ng proyektong ito.

#projectlawaatbinhi

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD