Kasalukuyang nakikiisa at nakikibahagi ngayon ang DSWD Field Office VIII sa “Alunsina: The SLP’s Kabuhayan Convention and Bazaar” hanggang bukas, Agosto 29, 2024 sa Risen Garden, Quezon City Hall.

Itinatampok sa nasabing bazaar ang ibat-ibang produkto ng Sustainable Livelihood Program Assoslciations (SLPAs) ng rehiyon kagaya ng banig, embroidered bag, wallet, at tsinelas na gawa sa tikog. Ibinida rin ang ibat-ibang native delicacies kagaya ng chocolate moron, taro chips, pili nuts at marami pang iba.

Ang Alunsina Convention and Bazaar ay hindi lamang tungkol sa pagpapakita ng mga produkto ng iba’t ibang rehiyon kundi upang ipakita rin ang naabot na milestone at tagumpay ng bawat SLPAs sa buong bansa.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD
#SustainableLivelihoodProgram
#SulongKabuhayanTungoSaPagyabong