Nakiisa ang DSWD Eastern Visayas sa pagbubukas ng 21st Bagong Pilipinas Serbisyo Fair dito sa Silangang Bisayas, ngayong araw, sa Leyte Sports Center (Grandstand) Tacloban City.
Kasama si DSWD Assistant Secretary Paul Ledesma, Director Edwin Morata, Regional Director Grace Q. Subong, pinangunahan ni House Speaker Martin Romualdez, Senator Bong Revilla, Tingog Party List Cong. Jude Acidre, Leyte Governor Jericho “Icot” Petilla, at Tacloban City Mayor Alfred Romualdez ang ceremonial turnover ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) sa ating mga benepisyaryo.
Nasa 37,621 benepisyaryo ang matutulungan ng cash assistance o food assistance (family food packs) katumbas ng Php148,105,000.00 ang nakatakdang ipamahagi ng DSWD Eastern Visayas ngayong araw, Agosto 2, 2024 hanggang bukas, Agosto 3, 2024 dito sa Leyte, Tacloban City, Biliran at Northern Samar.
Ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ay naglalayong maghatid ng iba’t ibang serbisyo ng gobyerno sa bawat probinsya upang mas malapit sa taumbayan ang oportunidad at tulong mula sa pamahalaan.