Namahagi ang DSWD Eastern Visayas ng cash assistance sa 1,269 benepisyaryo sa Northern Samar, kahapon, 2 Agosto 2024 sa Provincial Gymnasium, Catarman, Northern Samar.

Ang mga benepisyaryo ay kabilang sa sektor na mababa ang kita, na nakatanggap ng Php5,000 bawat isa o kabuuang Php6,345,000.00 sa pamamagitan ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP).

Ang distribusyon ay bahagi ng 21st Bagong Pilipinas Serbisyo Fair na binuksan kahapon sa Leyte Sports Complex, Tacloban City.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD