Higit 1,000 benepisyaryo sa Southern Leyte nakatanggap ng cash grants mula sa Project LAWA at BINHI

Natanggap na ng karamihan sa 1,113 partner-beneficiaries sa Southern Leyte ang kanilang sahod para sa dalawampung araw na pagsasanay at trabaho sa ilalim ng Project LAWA at BINHI. Umabot sa P8 milyon ang halaga ng naipamahaging cash grants, at bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng P7,500.

Matatandaang sinimulan ang implementasyon noong Hunyo, kung saan ang mga benepisyaryo ay sumailalim sa 20 araw na pagsasanay sa paggawa at pagsasaayos ng aquaculture projects, water systems, at pagbuo ng communal gardens. Bagama’t tapos na ang programa, umaasa ang kagawaran na makakatulong ang kanilang natutunan sa pagresolba sa kakulangan ng suplay ng tubig at sa pagdagdag ng mapagkukunan ng pagkain sa komunidad.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD

#ProjectLAWAatBINHI