Patuloy ang isinasagawang payout para sa mga magulang mula sa probinsya ng Samar na nagpursigi at naglaan ng oras matapos ang Nanay-Tatay Sessions noong July 1-26 sa ilalim ng Tara, Basa! Tutoring Program.

Simula noong August 3, 2024, mayroon ng 804 sa 1,977 benepisyaryo ang nakatanggap ng PHP4,700 mula sa cash-for-work component ng programa.

Sa kabuuan, ang Nanay-Tatay Sessions ay gabay sa pagpapalaki at edukasyon ng mga anak, pati na rin sa pagpapahalaga sa isang mapagmahal na tahanan, upang magkaroon ng mas magandang kinabukasan ang mga bata.

Salamat sa inyong dedikasyon!

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD

#TaraBasaPH