Sa pamamagitan ng isang Mass Turn-over Ceremony, 57 na mga nakumpletong sub-projects ng KALAHI-CIDSS ang na-turn-over sa mga barangay ng Local Governemnt Unit ng Dagami, Leyte noong ika-26 ng Hulyo ngayong taon.
Ito ay napagtagumpayan sa pamamagitan ng pagkakaisa at bayanihan ng mga community volunteers at mga mamamayan ng nasabing munisipyo para sa Phase 2 na implementasyon ng KALAHI-CIDSS National Community-Driven Development Project- Additional Financing (NCDDP-AF)
Sa 57 na mga SPs, mayroong 19 na mga barangay access roads; 16 pathways; 15 barangay Disaster Response; 6 drainage canals; at isang day care center.
Sa suporta ng M/BLGU, tinatayang aabot sa Php 9, 081, 789.00 ang kabuuang halaga ng mga nasabing sub-projects kung saan Php 8, 549, 743.00 ang Municipal Grant Allocation at Php 532, 046.00 na Local Counterpart Contribution.