Matagumpay na isinagawa ang Redemption Day ng Walang Gutom Program na pinangunahan ni Hon. Mayor Lucy Marie Torres-Gomez ng Ormoc, City, CSWDO Maribel Villaflor Gucela, MSWDO Mary Ann Fernandez ng Albuera, Leyte at DSWD staff katuwang ang partner merchant store AVIVA Tasman Supply Chain Corporation.
Umabot sa 319 pamilya ang nakabenipisyo sa nasabing programa kung saan 257 ay galing sa Ormoc, City at 62 naman na benipisyaryo ng Albuera, Leyte.
Gamit ang Electronic Benefit Transfer (EBT) card na naglalaman ng 3,000 pesos na gagamitin upang bumili ng GO, GROW at GLOW food mula sa partner merchant store.
Layunin ng programang ito na mabawasan ang gutom sa mga kabahayan na may mababang kita at magpapatuloy pa ang pamamahagi nito sa loob ng tatlong taon upang masiguro na mabibigyan ng sapat na benipisyo ang pamilyang lubos na nangangailangan.