Ngayong Linggo, Set. 8, 2024, patuloy ang isinasagawang production and repacking ng Family Food Packs (FFPs) at Non-Food Items (NFIs) ng ilan sa mga DSWD Field Office VIII Angels in Red Vest.

Ibabahagi ang mga ito sa Local Government Units (LGUs) na na-apektuhan ng Tropical Storm “Enteng” at ng Southwest Moonsoon sa rehiyon.

Sa kasalukuyan, 45,333 na FFPs at 468 na NFIs naman ang na-produce ng ahensya at 13,270 sa mga ito ang naibahagi na sa mga indibiduwal at pamilyang nasalanta ng nasabing kalamidad.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD