Pinarangalan si Trexie Lucelo Abias, Project Development Officer ng Sustainable Livelihood Program na naka-destino sa lungsod ng Ormoc sa nasabing konbensyon ngayong araw, Aug. 30, 2024.
Nasungkit ni Trexie ang Sibol Writing Contest Cycle 2: Kabuhayan Category – Champion para sa kanyang pyesang “𝙏𝙝𝙚 𝙏𝙝𝙧𝙚𝙖𝙙 𝙤𝙛 𝙎𝙪𝙘𝙘𝙚𝙨𝙨: 𝘼 𝙏𝙖𝙞𝙡𝙤𝙧’𝙨 𝙅𝙤𝙪𝙧𝙣𝙚𝙮 𝙩𝙤 𝙎𝙖𝙧𝙩𝙤𝙧𝙞𝙖𝙡 𝙀𝙭𝙘𝙚𝙡𝙡𝙚𝙣𝙘𝙚” mula sa sampung (10) entries sa iba’t ibang rehiyon sa bansa para sa nasabing patimpalak.
Samantala, binigyang pagkilala rin ang DSWD FO VIII- Sustainable Livelihood Program sa pagpapamalas nito ng Outstanding Performance and Accomplishments of Targets of SLPsa nakalipas na taong 2023 at ang Outstanding SLP Referral Implementation Award.
Higit pa sa parangal na nakamtan, ipinakita ng programa ang mga natatanging likha at produkto ng ilan sa mga Sustainable Livelihood Program Associations (SLPAs) sa rehiyon sa nasabing aktibidad.
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD
#SustainableLivelihoodProgram
#SulongKabuhayanTungoSaPagyabong