Patuloy ang isinasagawang loading ng Family Food Packs (FFPs) ng DSWD Field Office VIII sa Lope de Vega, Northern Samar bilang karagdagang tugon sa 4,518 na pamilyang apektado ng Bagyong “Enteng” at paghahanda para sa iba pang posibleng sakuna.

Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng ahensya sa lokal na pamahalaan upang matiyak ang mabilis na paghahatid ng kinakailangang tulong.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD