Patuloy ang isinasagawang produksyon ng Family Food Packs (FFPs) sa DSWD Field Office VIII bilang tugon sa mga naapektuhan ng Bagyong Enteng.
Sa kasalukuyan, may 85,423 family food packs at 29,401 non-food items ang ahensya na nakahanda kung kinakailangan ng ugmentasyon ang mga lokal na pamahalaan sa rehiyon.
Sa ngayon, patuloy din ang koordinasyon ng ahensya sa mga lokal na pamahalaan upang matiyak ang mabilis na paghatid ng relief augmentation.