Pinaigting ng DSWD Field Office VIII Quick Response Team (QRT) ang pagtugon sa mga epekto ng Bagyong “Enteng” sa pamamagitan ng Advanced Data Gathering for Assistance Preparedness for Protection (AGAPP). Ito ay isang software o mobile application na pinapalakas ang mas napapanahong pag-uulat para sa mas maagap na alokasyon ng relief resources sa mga apektado ng anumang sakuna.

Patuloy naman ang pagmomonitor at pagtugon ng QRT sa mga epekto ng bagyo, partikular na ang transportasyon at pamamahagi ng family food packs (FFPs) at non-food items (NFIs) sa mga lokal na pamahalaang nangangailangan ng ugmentasyon.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD