TINGNAN | Naka-activate na ang Quick Response Team ng DSWD Field Office VIII kasunod ng masamang panahon dulot ng Tropical Depression “Enteng,” na nagdulot ng pagbaha at iba pang insidente sa Eastern Visayas.
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng ahensya sa mga lokal na pamahalaan upang agarang makakuha ng ulat tungkol sa kalagayan ng mga apektado. Sa pinakahuling tala, nakahanda ang 76,836 family food packs (FFPs) at 29,531 non-food items na nakaposisyon sa iba’t ibang estratehikong lokasyon sa rehiyon. Tinitiyak ng ahensya na agaran itong maihahatid sa mga lokal na pamahalaang nangangailangan ng ugmentasyon.
Para sa disaster relief operations, makipag-ugnayan sa inyong lokal na pamahalaan.