Naipaabot na ng DSWD Field Office VIII ang 778 family food packs (FFPs) sa Can-avid, Eastern Samar, bilang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong “Enteng.” Bagaman nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo, tuloy pa rin ang pagbibigay ng tulong ng ahensya para sa mga nangangailangan.