Nagpapatuloy ang DSWD FO VIII sa pamamahagi ng financial assistance sa ilalim ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP). Nagsagawa kamakailan ang DSWD ng distribusyon ng nasabing ayuda sa Palo, Leyte. Sa pinakahuling tala, nakapamahagi ang ahensya ng P4,975,000 sa 995 na mga benepisaryo. Nakatanggap ng P5,000 ang bawat benepisaryo.

Maaaring makipag-ugnayan sa mga lokal na opisyal para sa distribusyon sa inyong lugar.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD