Nagsagawa ang Department of Social Welfare and Development Field Office VIII sa pamamagitan ng inisyatibo ng Local Government Unit ng Burauen ng aktibidad na pinamagatang “Empowerment and Reaffirmation of Paternal Abilities Training,” na dinaluhan ng mga Recovering Persons Who Used Drugs (RPWUDS) at mga Parolees. Sa tema ng 2024 Family Week Celebration, “Pamilyang Tumutugon sa Pagbabago ng Panahon,” layunin ng aktibidad na ito na palakasin ang kakayahan ng mga ama at ipakita ang halaga ng kanilang papel sa pamilya.

Ang “Empowerment and Reaffirmation of Paternal Abilities Training” ay binubuo ng siyam na modules, kabilang ang “Pag-unawa sa Sarili Bilang Tao, Pagtanggap sa Iyong Papel Bilang Ama, Paggiging Best Friend ng Iyong Asawa, mga Ama Bilang Tagapag-alaga ng Bata, at Pagsusulong ng Espirituwalidad ng Pamilya,” at iba pa. Ito ay isang mahalagang hakbang upang bigyang-diin ang papel ng mga ama sa kanilang mga pamilya. Maaari din itong maging isang interbensyon para sa mga RPWUDs at parolees. Sa pamamagitan ng programang ito, binibigyan sila ng pagkakataon na muling maitaguyod ang kanilang mga sarili at ang kanilang mga tungkulin bilang mga ama at miyembro ng pamilya.

Ito ay hindi lamang isang hakbang para sa kanilang personal na pagbabago, kundi pati na rin sa pagkakaroon ng mapayapang pamilya at komunidad. Sa pagtutulungan at suporta ng LGU at mga komunidad, nagiging mas matatag ang bawat pamilya sa pagharap sa mga hamon ng buhay.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD